PAGPAPAHALAGA SA KALIGTASAN SA WELDING: PAMANTAYAN AT KAGAMITAN
Ang welding ay isang mahalaga proseso sa maraming industriya ngunit nagdudulot din ito ng mga panganib sa kaligtasan kung hindi maingat na isinasagawa. Ang pagpapahalaga sa kaligtasan ng welding ay mahalaga upang maiwasan ang mga aksidente at pinsala. Narito Ang ilang mahahalagang pamantayan at kagamitan na dapat isaalang-alang: Pamantayan Sa Kaligtasan -Pagsuot na tamang personal na proteksiyon na kagamitan (PPE): Ang PPE ay kinakailangan upang maprotektahan Ang mga mangagagwa mula sa mga panganib ng welding tulad Ng mga sparks, ultraviolet radiation at usok. Ang PPE ay kinabibilangan ng: -Welding helmet: Ang welding helmet ay nagpoprotekta sa mga mata at mukha mula sa nakakasilaw na liwanag at mga sparks. -Gwantes: Ang mga gwantes ay nagpoprotekta sa mga kamay mula sa init at spark. -Mga damit na pang welding :Ang mga damit na pang welding ay gawa sa materyales na lumalaban sa apoy at nagpoprotekta sa katawan mula sa sparks. -Mga sapatos na pang welding Ang mga sapatos na pang w...